Wednesday, November 23, 2011

Unang Post para sa 2011

Mahigit 2 years na pala ang huli kong post sa blog na to. Actually, 8 hours lang pala kase may bago akong post sa baba, ayun o. Pero yung huling post na talaga namang binigyan ko ng effort para magawa, e mahigit 2 years na.

Bilang isang bloggistang nagbabalik matapos ang mahabang panahon, i think kailangan kong magexplain kung bakit (at kahit na wala namang humihingi ng eksplanasyon). Bakit ba? Blog ko to e. Yun yata yung mga panahon na umalis ako sa trabaho at nagpaka-bum ng 9 months. Well, isang medyong busy na bum. Nandoon na yung sumubok akong magbusiness. Na nalugi rin naman dahil hindi pala lahat ng tao e mahilig sa squidballs, kwek kwek at kikiam. Ito rin yung mga panahon na nakilala ko ang Panginoon... (o gulat ka no? wag mo muna pindutin ang back button kase di naman ako magpe-preach. sa susunod nang mga posts hehe).

After 9 months, bumalik ako sa Abu Dhabi at namalagi doon ng isang taon bilang isang manggagawa sa hukbong sandatahan ng mga arabo. Naks, military. Sana naging active blogger ako habang nandun ako kase samut saring mga kwento ang naipon ko - may nakakatawa, nakakaiyak, nakakamatay, at meron ding nakakakiliti ng singit. Doon ko naranasan mapalayas ng bahay ng dalawang beses dahil sa mga landlord na balasubas. Doon din ako natutong mag-operate ng washing machine. Ng magisa. lol. Doon din nabunot ang kahuli-hulihan kong wisdom tooth.

So balik ako ngayon sa Pinas. Bum ulet since April. At ngayong January e baka umalis na naman so maiiwan ko na naman ang blog na to. May counter ulit ako sa taas kung ilang days ulet bago ako umalis. Sana maextend. Medyo madami na naman akong mga bago at kakaibang karanasan kaya magiging active na naman yata ako sa pagba-blog. At syempre hindi kumpleto ang aking post kung hindi ako magiiwan ng isang pa-cute na larawan.

Welcome back to me at maligayang pagbabasa :)


testing lang

aah... buhay pa pala ang blog na to.

Friday, June 12, 2009

Alipin sa Araw ng Kalayaan

video

It's kinda ironic that im posting this vid on Independence Day. Nagkataon lang na nagvivideoke ako at Holiday ngayon. Enjoy / Abhor

Alipin by Shamrock

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

[Chorus:]
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana at iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik...

Ayoko sa iba
Sayoako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

[Chorus:]
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana at iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik...

[Coda:]
Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa akin wag kang mawawala

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin


---------------------

Bonus Video: Wherever you will go by The Calling

(medyo bitin lang yung dulo. naghibernate ang windows eh. tinamad na akong mag-edit hehehe)

*tatay ko nga pala yung nasa background. wala kasi kaming aircon kaya ganyan. hinihintay nya akong matapos sa tv para makanood na sya sa cartoon network.

video

Tuesday, June 02, 2009

LAIYA

Hindi ko syempre palalampasin ang bakasyon na to na hindi nagbe-beach. mejo lumalaki na rin ang tyan ko na parang butete pero oks lang, pakapalan na lang ng mukha to =) ang panget pala pag payatot tapos malaki ang tyan. hayoof na beer kase yan o atsaka bakit kase ang sarap kumain at nakakainis mag-exercise.

dito nga pala nag-stay (daw) ang entourage ni ryan at judai. yung isa sa mga tinuluyan naming "hotels" (kuno) sa laiya. ayan o may hawak na naman akong beer. kunsintidor din kase si erpats. ito yung taramindu na katabi ng balai.



dito naman e mejo senti kunyari ako. i bet lahat ng nagpupunta ng beach may ganitong pose. kung sino man ang may bagong idea kung pano magpose sa picture sa beach, pakikontak lang ang inyong abang lingkod.



eto naman yung isa naming pinag-stay-an. mejo mahal pero mas mahal yung katabi namin. imagine-in mo, 20K per night? tama ba yun.



syempre may pakayak-kayak pa kaming nalalaman habang si erpat naman e sumabit ata sa bangka. buti na lang may vest sya kaya lumutang pa rin



so gabi na, at dahil wala kaming magawa nung isang sister ko kase nagtotong-it si nanay, tatay at ate, ang pa-picture na lang kami. shets pa-cute na to.



eto ang mga sugarol, huling huli sa surveillance cam. inumaga na sa katotong-it. anytime susugod ang vigilanteng si tulfo



sa wakas, uwian na rin. laiya is slightly overrated but still a nice alternative to galera or boracay.





Saturday, May 30, 2009

Ang Bahay ni Lola na may Furfle na Gate



Dahil sa tapos na kong manood ng checks video ni hayden kho at aling dionisia habang chi mahal ay nakaupo cha chupa, sinamahan ko ang isang kaibigan na maghanap ng bagong tirahan.

Gusto nya kase sa bandang SM lang, so limited lang kami sa Pag-asa, Bago Bantay at Project 6. Sa aming paglilibot-libot, tangan-tangan ang buynsell tuesday edition, marami kaming paupahan na nakita - mga karatulang "room 4 rent (ladies only)" , apartment 4 sale/rent" , "bawal ehi, potol teti" , at kung anu-ano pa. May mga unbelievably mahal na paupahan, kahit na may pangakong tetano na pabaon sa oras na madampi ang balat mo sa kalawanging gate, at mayron din namang mga mura. Yun nga lang may kasama ka sa bahay na kuya na naligo sa hydrogen peroxide at may mga mala-kalamay na tingin na talaga namang pagkalagkit-lagkit. water-water talaga.

So habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada ng bago bantay, may isang pwersang hindi maipaliwanag na nagdala sa amin sa harap ng isang furfle na gate may karatulang "room4rent". actually, apartment ang hinahanap namin pero may kung anong hiwaga ang furfle na gate at kami ay huminto sa tapat nito.

"tao po! tao po!" ang malakas kong tawag sabay doorbell.

"brod, wala yatang tao," sabi ng barkada ko.

"tao po! tao po! " muli kong sambit habang kinakalampag ang furfle na gate.

mukhang wala ngang tao kung kaya't nabaling ang aming atensyon sa isa pang "room4rent" na sign sa kabila ng kalsada. Ngunit di rin namin nagustuhan ang bungad ng gate, dahil sa amoy pa lang at mga nagkalat na parang digested hotdog at pinkish na likido na dinidilaan ng pusa, minarapat naming bumalik na lang sa sasakyan na nakahimpil sa harap ng furfle na gate.

Sa aming pagkagulat, may isang ulo ng matandang babae ang ngayon na'y nakasungaw sa kanina'y nakapinid na furfle na gate. Kanyang sinisipat-sipat ang dilaw na kotse na nakaparada sa harap ng kanyang bahay.

"Nay, kayo po ba ang may-ari ng bahay? Mag-i-inquire po kami tungkol sa 'room4rent' na karatula sa gate nyo"

"Ah ganun ba? Dito tayo sa loob mag-usap"

Dagliang kumulimlim ang langit at umihip ang isang banayad ngunit malamig na hangin sa aming likuran habang inaakay si lola na aming napag-alamang 84 yrs na at nag-iisa lamang na nakatira doon sa malaking bahay.

Ma-tsika si lola kahit matanda na. Aniya, matagal na raw syang walang kasama sa bahay at gusto nya talagang magkaron ng kasama kayat tuwang tuwa sya ng aming ipahiwatig na gusto na nga ng kasama ko na upahan ang kwarto.

Ibinigay ni lola sa amin ang susi sa itaas na silid ngunit sya'y hindi na sumunod gawa ng kanyang kahinaan dulot ng katandaan. Maganda ang silid, malawak, may tatlong aparador, tokoador na may salamin, mga bintana sa magkabilang pader at isang kamang nagsusumiksik sa sa isang sulok ng kwarto. Malinis subalit mukhang matagal nang walang tumira sa silid na yon maliban sa isang pares ng sapatos na pambabae na nakalgay sa aparador sa likjod ng pintuan.

Agda kaming bumaba at sinabing kukunin na ang kwarto. Kunsabagay, wala namang ibang nakatira doon maliban kay lola at malayang gamitin ng sinumang uupa ang kusina na may pagkalaki-laking antigong salamin, banyo, sala na may chandelier, garden at isang malawak na garahe.

"kukunin ko na po!" sabi ng barkada ko.

"Alam mo iho," pakli ng matanda, "gusto kita dahil ikaw ay magalang, at syempre gwapo at matangkad. kapag pangit, pangit din ang ugali"

Nag-alangan kami sa sinabi ni lola at napangiwi ng bahagya. maya-maya pa ay marahang lumapit si lola sa amin... ang sumunod na pangyayari ay syang nakapgpatinding ng aming balahibo...

tumingin sa akin si lola na para bang may kakaibang ningning sa kanyang mga mata habang ang kanyang isang kamay naman ay nakahawak sa braso ng aking kaibigan. Pigil ang aking hininga sa bawat kilos na gawin ng matanda...

Sa isang mabilis na kumpas ng kamay ay muling nagdilim ang langit at humugong ang hangin kung kaya't nabulabog ang pusa sa paanan ng matanda... at sila ay nagwika ng...

"Kunin nyo na ang kwarto! Ako'y matanda na at wala akong kasama! Lumipat na kayo! Ngayon na!"

Sabay sunggab sa yagbols ng barkada ko!

Syet. Manyak si Lola! hehehe.

Saturday, May 23, 2009

DOS EKIS



Nope. it's not about Rica Peralejo's extra-plasticized mammaries. Nor am i gonna do a full feature on the song, Careless Whisper and the tacky dance moves that scandalously go along with it. Its about my two exes and why i have decided to see them, let alone have dinner/lunch with them this weekend.

First up. First Ex. Now i dont see anything wrong with it. We've been friends for as long as i could remember. Ever since the "break-up" that never actually happened, weve been seeing each other everytime i come home to Pinas. Walang malisya. Safe and Clean. Much like evian for a facial wash. We'll be having dinner tonight.

Next. The last Ex. The one i dreadfully called Hunni. Now im having second-thoughts on this one. I knew World War III broke out sometime last year but it's only me, Hunni, and the "other party" knew of its existence. I recently have been a confidante and self-proclaimed advisor to their somewhat "interesting and complicated" relationship and even counseled them while i was on a honeymoon last week. Weird huh? And if that isn't weird enough, id be meeting the person i once thought as the devil incarnate and (god forbid) together spend a lazy Sunday afternoon, sipping on tropical slushes with miniature umbrellas, while casually regaling each other with stories which we kept from each other during our "lets-not-talk-ever-again-coz-you-broke-my-heart" period.

Im in a romantic dilemma right now. and dont get me wrong. Trysts part deux are far off my mind, hiding together in the boondocks with Al Qaeda. My current situation seems to be on a parallel course with my ex's present state of fate which further strengthens my need to connect with an old flame, in the most un-romantic manner, of course. I love my present gf. the problems is, my efforts are not reciprocated the way i expect it to. if anyone would ask what my dating status is, id readily say... Im taken... for granted.

So im having dinner with the first ex tonight, and lunch tomorrow with my last ex. I just wish i wont be having dinner with three ex's next time. i just need to process in a gastronomic way.

Thursday, May 21, 2009

Pogingpayatot is back from the dead

YES! Sa wakas nakabalik na naman ako sa blogging world. Mga ilang linggo din akong nawala. AT sa loob ng ilang linggo na yan, madaming nabago sa buhay ko.


Unang-una: nasa PINAS na naman ako! woohoo! ang saya-saya! Kahit na napakahaba ng byahe papunta sa Manila at kahit gaano ka-trapik at polluted ito ay hinding-hindi ko ito ipagpapalit sa ibang bansa. naks. nationalistic.


Sunod: I lost 20 pounds in 3mos. Mantakin mo yun? sa payatot kong ito e may ilo-lose pa pala akong bigat. Alam nyo yung mga nakapaskil sa jeep, tricycle o poste ng station ng MRT na "GAIN/LOSE WEIGHT - CALL 09171234567" ? Well, hindi ako tumawag dun. May sikreto akong malufeeet kung pano ko ito nagawa. Tapos i gained 6pounds in 2days naman, Last week yun. O di ba, parang yo-yo lang yung timbang ko.

Pangatlo: Eto medyo nakaka-yihii na kwento. May lablayp ulet si pogingpayatot! Alam nyo ba yung Kalesa/PAsig River date ko last vacation ko na feeling ko e naunsyami? Well, may Mara Clara Ikalawang Aklat pala yun! so mejo happy na naman ako ngayong bakasyon. Napapadalas ang aking pag-eescabeche at pakikipag-lugawan este ligawan.

Ika-apat: nabusy ako sa aking pagiging karerista. teykalukatdispiktyur



actually, naligaw lang ako. si tatay drayber ng ferrari. si nanay, asawa ng drayber. si utol, promo girl. at ako naman, nagba-bike. ayan o, honda. ampon lang kase kaya inde kasama sa team ferrari. atsaka, kwentong barbero ko lang to.

At ikalima: I miss my fans. LOL. ROTFL. LMAO. LOLO. LOLA. ATE. KOYA. nakaka-miss din ang mga tambay dito sa site ako. aylabyu. nung nasa ibang bansa ko parang may pamilya din ako dahil sa readers ng blog na to. nandyan na yung mga makukulit humirit at magcomment. pati na rin yung mga lakwatsero't lakwatsera sa mga blog (blog-hoppers) at pati na rin yung mga espiya ni fuma-ley-ar at mahilig lang tumingin-tingin at mag-usyoso sa buhay ng may buhay.

SO habol pa naman ako sa month of may. Quota na. Goal ko kase makapag-post kahit isang entry lang per month. hay. sarap bumalik sa blog.

Monday, April 06, 2009

BATIBOT: sa likod ng tuwa ay mayroong luha




BATIBOT: salitang may tatlong pantig na binubuo ng apat na katinig at tatlong patinig.

isang inonesenteng programa na naglalayong mag-aliw at magbahagi ng karunungan sa mga kabataang pilipino noong dekada 80. (10am sa channel 9 na may replay sa channel 4 tuwing 3pm)

subalit sa kabila ng mga halakhak, hagikhik at tawanan ng mga karakter sa programang ito ay may di maikakailang malungkot na kwento sa likod ng bawat nagsisiganap.

Si Kuya Bojie: isang mama na tila napagkatian ng normal na kabataan. inaaliw ang sarili sa pagkukuwento tungkol sa mga higante at mga bulateng nagsasalita o di kaya ay nalulunod sa mga istorya ng mga planetang gawa sa matamis na bao.

Si Ate Sienna: kapansin-pansin ang kanyang mga malagkit na sulyap kay Kuya Bodjie na kailnma'y hindi nasuklian ng tunay na pagmamahal. Ang kanyang dating una't na buhok ay naging kulot sa pagkasawi at ang huli kong balita ay humuhuni ng mga katagang "Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo, pero bakit hindi nyo ako dinadalaw? huhuhu"

Si Ningning at Gingging: natutong mamuhay ng walang pagkalinga ng mga magulang. bagamat naglipana nung 1980's ang mga kalbong kumukuha ng mga batang hindi natutulog sa tanghali, ay hindi nagpadaig ang magkapatid na ito sa kanilang takot. Bagkus, ay pinagibayo ni Ningning ang kanyang pagiging nanay/ate kay Gingging.

Si Kiko Matsing: Hindi natin siya masisisi kung bakit madalas syang nagtatago sa likuran ng isang tabla. Ayaw man niyang ipaalam, ngunit mga giliw kong mambabasa. Si Kiko matsing ay isang lumpo! Ni hindi nga niya makuhang makapunta sa liwasang bayan upang makabili ng mga damit. At ang tangi na lamang niyang pananggalang sa init at lamig ay ang makapal niyang balahibo.

Si Pong Pagong: Ulila na rin ngunit madalas ay napapagkamalang palaboy sa kalsada. Isa si Pong na biktima ng kahirapan. Maliit pa lamang siya ay natutuhan na nyang pasanin ang daigdig sa kanyang balikat (bahay sa kanyang likod). Payak lang ang kanyang kasiyahan - ang makakain ng kangkong. Subalit sa bawat kagat ng mga dahon nito ay pagsusumamo sa Maykapal na sana... sana balang araw ay magkaroon siya ng ilong upang maamoy at malasahan ang kanyang kinakain.

Ilan lamang sila sa mga karakter na nagpasaya sa atin noong ating kabataan. Ang birhen na si Manang Bola, ang adik na si Kuya Dwight, ang palaging baradong ilong na si Kapitan Basa, at marami pang iba. Subalit wag kalilimutan na sila ay tao lamang (yung iba puppet at mascot), normal, natutuwa, natatakot, nasasaktan, at lumuluha.

Friday, April 03, 2009

Ay em soooooooo booooored

Philippines 2000!

video

Boredom kills.

Thursday, March 26, 2009

Top Ten ni Payatot


Ang mga sumusunod ay pawang kathang-payatot lamang at hindi dapat seryosohin. Wala lang, trip ko lang sumulat ng mga kasabihan na aking na-formulate based on experiences at mga obserbasyon. Narito ang ilan:

1. Ang matamis ang dila, inubos ang asukal sa kusina –kadalasan, ang mga mahilig mangako ay sanay na sa ganyang style. Praktisado kumbaga.

2. Mag-imagine at magtikol para sa sariling kapakanan –pagtitikol ng kaisipan kumbaga, antawag dyan sa inggles, intellectual masturbation. I-exercise paminsan-minsan ang utak. Wag manging tanga.

3. Ang mga bagay na di ginagamit, lumiliit. –evolution kaya ang maysala rito? Ehem, inde yun ang tinutukoy ko. In time, lahat ng bagay ay sisikip kapag hindi ginagamit. Yun ang tinutukoy ko, kung ano man yun.

4. Ang letrang pinakamahirap kalimutan ay ang letrang X –ehem ehem ehem, pahingi ng formula44. sino ang tututol? Hehehe

5. Sosyal man ang facebook, jojologin din ng mga taga-friendster. –walang permanente sa mundong ito. Lahat ay nababago, at magbabago.

6. Hindi nakukuha sa pagsisimba ang pinto sa langit –ito ay nakukuha sa tabi-tabi at may kasama pang massage! Do good. Period. No erase. No liquid paper. Disturbing lose one turn.

7. Lahat tayo ay pantay-pantay pag-upo ng inidoro. -Si Britney Spears ka man o si Pope. Lahat ay pantay-pantay sapagkat tayo ay tao lamang at may kinikimkim na galit sa loob ng tiyan.

8. Walang maitim na siko, sa taong mahal mo. –Parang isang masamang tao na namatay at nagiging “mabait na anak, asawa, kapatid, at kaibigan –walang kaaway” kapag na-interview sa tv ang nanay. Lahat ay nabubulag ng pag-ibig.

9. Mas maingay ang pipi kaysa tsismosang may sore throat –lahat tayo ay may hangganan. Hindi tayo si superman. Hindi lahat ng oras ay naroon tayo sa tuktok. Minsan nasa punong aratiles lang at nagduduyan-duyan.

10. Delayed man daw ang ticket at magaling, makakauwi rin! - YEY FOR YANAH!